RESEARCH PAPER UKOL SA “VOCATIVE NATURE OF DEMOCRACY”

Nagtungo sa tanggapan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz si Alexeis Emmanuel F. Gelverio ng St. Paul Seminary Foundation noong ika- 31 ng Marso, upang i-presenta ang kanyang research paper na may pamagat na, “Vocative Nature of Democracy.”
Ibinahagi ni Gelverio ang kanyang paniniwala ukol sa demokrasya na aniya’y “form of God’s calling”. Idinagdag din nito na ang tunay na demokrasya ay ang paggawa ng kabutihan at serbisyo para sa Diyos at kapwa-tao.
Ang naturang research paper ay nakatakda ring ilatag ni Gelverio sa “Undergraduate Philosophy Conference 2017” na gaganapin sa University of Sto. Tomas (UST) sa ika-6 ng Abril. Kabilang ang UST at UPLB sa mga napiling unibersidad napagpre-presentahan ng kanilang research papers.