SQUATTING SYNDICATES, SOSOLUSYONAN

Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at Admin. Head Filemon I. Sibulo ang pagpupulong para masolusyunan ang grupo ng professional and squatting syndicates sa lungsod ng San Pedro ngayong Marso 27, 2017 sa Mountain View, City Hall of San Pedro.
Nakipag-ugnayan ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa pamahalaang lungsod upang masolusyunan ang pagpasok ng squatting syndicates sa Southridge, Brgy. San Antonio. Ayon kay Atty. Angelo F. Aguila, Direktor ng Legal Anti-squatting and External Affairs Group, ang mga sindikato na ito ay grupo na nagbebenta ng property sa murang halaga at nagpapakita ng mga pekeng dokumento tulad ng titulo sa lupa. Dahil dito ay nagsagawa ng resolusyon sa Sangguniang Panlungsod katuwang ang Local Committee Against Squatting Syndicates Professional Squatters (LCASSPS), PNP, Presidential Commission for Urban Poor, Liga ng Barangay at private sector at Urban Poor Organization.