MAYOR LOURDES CATAQUIZ GINAWARAN NG IDEA KOREA NG PLAKE NG PAGKILALA

Ginawaran ng IDEA Korea ng “plake ng pagkilala at pagpapahalaga” si City Mayor Lourdes S. Cataquiz dahil sa walang sawa nitong suporta sa kanilang mga proyekto na may layuning makatulong sa pangangailangan ng mga mahihirap na maamayan ng San Pedro City, Laguna. Pinangunahan ni Jung, Sang Kwon, presidente ng IDEA Korea, ang pag-aalay ng parangal noong ika-24 ng Marso, sa Office of the Mayor.