“KNOW YOUR SLEEP” SEMINAR PARA SA MGA SENIORS

Ginanap ang “Know Your Sleep” seminar noong ika-22 ng Marso sa Pavillion Hall ng San Pedro City, upang mabigyan ang mga nakatatanda ng tamang kaalaman ukol sa kahalagahan at benepisyo ng sapat na tulog. Tinalakay dito na importante ang pagtulog para sa pagtaguyod ng pisikal na kalusugan, pagpapahaba ng buhay at emosyonal na kagalingan.
Ang programa, na may temang “Aktibong Buhay sa Maayos at Sapat na Pagtulog,” ay isinagawa ng United Bayanihan Foundation at UMED, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod, City Social Welfare and Development Office at Office for Senior Citizens Affair.