MAYOR LOURDES CATAQUIZ NAGPAKITA NG SUPORTA SA ZUMBA AND WELLNESS GROUP

Ipinatawag ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang Wellness at Zumba Groups, kasama sina head nurse Riah Fojas ng City Health Office (CHO) at Leah Lu-Morando, HR head, sa kanyang tanggapan noong ika-21 ng Marso upang talakayin ang pangangailangan o interes ng bawat grupo ukol sa kahalagahan ng zumba at wellness sa pangkalahatang kalusugan ng bawat mamamayan.