TAEKWONDO CHAMP NG SAN PEDRO HANDA NANG SUMABAK SA PALARONG PAMBANSA

Naghatid ng ng karangalan si Silverio Joaquin E. Engo IV sa City of San San Pedro matapos na mag-uwi ng gintong medalya mula sa kanyang pagkakapanalo sa Regional Sports Competition taekwondo edition na ginanap sa San Luis Sports Village sa Sta. Cruz, Laguna noong Ika-15 ng Pebrero.

16836681_1364276133635763_3737702116278865839_o

Nakatakdang lumaban ang San Pedro’s pride, taekwondo Gold medalist Silverio Joaquin E. Engo IV sa ika-60 edisyon ng Palarong Pambansa 2017 na gaganapin sa San Jose de Buenavista, Antique mula ika-10 hanggang ika-16 ng Abril (pansamantalang petsa).

Ang Palarong Pambansa 2017 ang pinakamalaking inter-school competition na inorganisa ng Department of Education (DepEd). Ito ay nilalahukan ng mga pinakamagagaling na manlalaro mula elementarya hanggang sekondarya mula sa 18 rehiyon ng bansa. Ngayong taon, tatapat sa Semana Santa (April 9 hanggang 15) ang naturang palaro kung kaya’t hindi pa ito mabigyan ng pinal na petsa, ayon na rin kay Zenaida Gocotano, sports coordinator ng DepEd Cebu City division.

Nakamit ni Silverio Joaquin E. Engo IV, grade 6 student ng Mater Ecclessiae School, ang gintong medalya matapos na manalo sa Regional Sports Competition taekwondo edition na ginanap sa San Luis Sports Village sa Sta. Cruz, Laguna noong Ika-15 ng Pebrero. Dito ay tinalo niya ang apat pang ibang manlalaro mula sa iba’t-ibang paaralan.

Ibinahagi ng 12 taong gulang na si Engo, na kasalukuyang naninirahan sa San Pedro, Laguna, ang kanyang mga sakripisyo at pagtitiyaga, at ang motibasyong inilalaan sa kanya ng kanyang mentor na si Mr. Fidel Cunanan ng Red DragonTaekwondo System; regional coach Yolanda Suwelto; trainors Teng Romero at Benedict Juampit; at basketball coach/school sports coordinator Lemuel Villanera.

Ayon kay Engo, nagsimula umano sya na sumali sa mga kumpetisyon (taekwondo) sa gulang na siyam. Dito’y inilalaan nya ang kanyang dalawang oras sa pagsasanay tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Inamin din nito na kahit basketball ang kanyang unang kinahumalingan, sineryoso umano nya ang taekwondo upang maging kampeon at makalaban, di lamang sa buong bansa, kundi sa buong mundo.

Inilarawan naman ni Villanera si Engo bilang isang disiplinado, “multi-talented” at matalinong bata. “He (Engo) is a very talented kid. He always excel in everything he does, in basketball, taekwondo and even academically. That is why we all support him in his endeavor 100 percent.”

Samantala, bumisita si Engo kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa San Pedro City Hall noong ika-23 ng Pebrero upang ibahagi ang kanyang tagumpay.

16836088_1364276170302426_620084486896690943_o  16903276_1364275910302452_4184487558401895047_o 16904803_1364276496969060_2988722602653170624_o 16904961_1364276696969040_7891096213384676440_o