BARANGAY-BASED PROGRAM – PINALAWIG

Noong ika-20 ng Pebrero 2017, pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagpupulong ng City Anti- Drug Abuse Council (CADAC) patungkol sa pagpapalawig ng Barangay-Based Program: The Therapeutic Community (TC) Approach na nakapaloob dito ang Behavioral, Emotional and Psychological, Intellectual at Spiritual therapy. Kasama din ang pagbibigay kaalaman sa Vocational at Survival Skills.
Ito ay patuloy na isinasagawa sa bawat barangay upang masugpo ang lumalaganap na droga, ngunit ang ibang surrenderees ay hindi nakakapag profile dahil sila ay may mga kaukulang trabaho.
Upang ito ay maisakatuparan, si ABC Pres. Marcelo ang mangangasiwa bilang Technical Working Group; sa Behavioral Management ay ang CSWD at Guidance Counselors ng Department of Education; Psychological at Emotional ay ang City Health Office; Intellectual and Spiritual ang churches at organizations; Vocational at Survival skills naman ang SPTI, SPLOTC at BUB Livelihood.
Kasama sa pagpupulong sina City Admininistrator/Engr. Filemon I. Sibulo, PNP Chief Harold Depositar, at mga miyembro ng CADAC na sina Coun. Delio Hatulan, ABC Pres. Rome Marcelo, DILG officer Jennifer Quirante, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), PAIO, POSO, CSWD, OM, Victory Outreach, Christian Bible Baptist Church at San Pedro Lion’s Club sa pangangasiwa ng City Planning Development and Coordinating Office.

16819411_1361571003906276_4707642176979391678_o 16835725_1361569207239789_2474188276436845966_o 16836007_1361572137239496_900650428152798418_o 16903113_1361568723906504_6995717366274569313_o