HANNA LEE TANAEL – BAGONG MUTYA NG SAN PEDRO

Kinoronahan si Hanna Lee Tanael bilang Mutya ng San Pedro 2017 na ginanap sa ikalawang araw ng Sampaguita Festival, Feb. 18, sa city plaza ng San Pedro, Laguna.

Hinirang naman na 1st runner-up si Faye Vera ng Brgy. Poblacion, Mariel Camay ng Brgy. Sampaguita bilang 2nd runner-up, Eriza Vale ng United Bayanihan bilang 3rd runner-up, at Lyra Abutin ng Brgy. Langgam bilang 4th runner-up.

16865112_1364519283611448_6606905830258552897_n

Nangibabaw si Tanael sa mga talaan ng mga judges na sina Ma. Cecilia Solivio, Engr. Dan Almeida, Billy Barbour, atbp. sa 12 pang mga kalahok na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay ng San Pedro.

Iniuwi ni Tanael ang P10,000 in cash, habang P7,000 naman kay Vera, P5,000 kay Camay, P4,000 kay Vale at P3,000 kay Abutin. Nag-uwi din sila ng trophy, sash at certificate.

Pinarangalan naman ni Konsehal Edgardo Berroya ang mga nag-uwi ng special awards na sina Kint Burac, Miss Punctuality 2017; Kate Rojas, Miss Close-Up Smile; Alliajh Espinosa, Best in Hairstyle; Kisslena Balasa, Best in Make-up; Faye Vera, Miss Flawless; Eriza Vale, Miss Personality; Lyra Abutin, Look of the Year; Hanna Lee Tanael, Super Model; Mariel Camay, Runway Model; Rhaya Ibanez, Miss Photogenic; Lyka Mae Camino, Miss Congeniality; Kate Ann Magno, Miss Beautiful Face; and Andrea Ann Magno, Miss Body Beautiful.

Ang Mutya ng San Pedro 2017 ay inorganisa ng Aktibo Laguna Movers & Critics sa kooperasyon ng Department of Youth and Sports Development.

16938506_1364519440278099_206809952446870517_n 16996130_1364519293611447_1313297535026570932_n