SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE MULING PINAGHAHANDAAN

Sa muling pagkakaroon ng assessment sa Seal of Good Local Governance (SGLG), nagsagawa ng pagpupulong sina City Mayor Lourdes S. Cataquiz at mga department heads ng San Pedro City Hall noong ika-13 ng Pebrero. Ito ay upang makatugon ang siyudad sa pamantayan ng SGLG.

16804274_1354576727939037_2176878429583027152_o

Tinalakay ni City Local Gov’t Operation Officer Jennifer Quirante ang mga indicators na dapat tugunin ng San Pedro at kung saan naging mahina ang lungsod. Kabilang sa mga ito ang Financial Administration, Social Protection, Disaster Preparedness, Business Friendliness and Competitiveness, Peace and Order, at Environmental Management.

Matatandaan na sa ika-apat na pagkakataon ay nakatanggap muli ang lungsod ng San Pedro, Laguna ng taunang pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos pumasa sa good governance standards.

Sa taong 2013 at 2014, ay nakatanggap ang San Pedro City ng Good Financial Housekeeping (GFH) Gold and Silver Category, habang Seal of Good Local Governance (SGLG) as municipality and as city naman noong 2015 at 2016.

Ang SGLG 2016 ay ang mas pinalawak at mas pinahigpit na proseso kumpara sa dating GFH na nauna nang iginawad sa lungsod ng San Pedro. Ang GFH ay sumusukat sa kakayahan at kahandaan ng isang lokal na pamahalaan sa aspeto lamang ng financial administration. Samantalang ang SGLG ay sa iba’t-ibang larangan ng paglilingkod sinusukat ang kakayahan ng siyudad.

Ang layunin ng SGLG ay hindi lamang bigyan ng parangal ang mga pamahalaang lokal kundi tuluy-tuloy na itaas ang antas ng pagseserbisyo sa ating mga mamamayan.

16700353_1354576881272355_1710108924800842322_o 16716014_1354577057939004_1125075723496891092_o 16796994_1354576224605754_7124068156991966013_o 16804152_1354576534605723_986324998856517992_o