LUNGSOD NG SAN PEDRO NAMAYAGPAG SA REGIONAL NUTRITION AWARDS 2016

Sa lingguhang pagtataas ng watawat na ginanap noong ika-14 ng Nobyembre, itinampok si Bb. Sonia Roca, Barangay Nutrition Scholar ng Barangay Langgam Lungsod ng San Pedro sa pagkakamit ng gantimpala bilang finalist sa City Outstanding Barangay Nutrition Scholar. Tinanggap ni Bb. Roca ang plake mula kay DILG Officer Jennifer Quirante. Ang Barangay Langgam ay tumanggap din ng gantimpala bilang isa sa 13 Regional Outstanding Barangay Committees na napili ng evaluation group ng National Nutrition Council – Calabarzon at ng Department of Health (Philippines). Si Barangay Chairman Bong Poayoan ang tumanggap ng award mula kay Bb. Fatima Autor.

15095510_1256794167717294_8480990588325760805_n

Sa aktwal na seremonya ng pagtanggap ng award na tinawag na 2016 Regional Nutrition Awarding Ceremony for Calabarzon noong 11 Nobyembre, 2016 sa Acacia Hotel Alabang, Muntinlupa City, ang Nutrition Team ay sinamahan ni Kon. Edgardo Berroya bilang kinatawan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.

Ang pagpapaangat ng level ng nutrisyon sa barangay ang siyang tinututukan ng mga tauhan ng City Nutrition Team sa ilalim ng pamamahala ng City Health Office. Ang programa sa nutrisyon ay isinasakatuparan sa tulong ng National Nutrition Council, isang ahensyang pinamamahalaan ng Department of Health. Sila ang nagbibigay ng mga materyales tulad ng mga syllabi, guidebooks, curriculum at iba pang uri ng technical na tulong at maging evaluation at kaukulang manpower at training upang maabot ng mga Barangay Nutrition Committees ang kanilang mga objectives. Ang Nutrition team ay pinamumunuan ng City Nutrition Action Officer, Bb. Angelina Verastigue Tapan sa tulong ng mga City Nutrition Program Coordinators na syang gumagabay sa mga Barangay Nutrition Scholars sa kanilang gawain sa mga barangay.

15016415_1255892067807504_300212906478388968_o