MGA EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN PEDRO NAKIISA SA ASEAN AWARENESS CAMPAIGN

15016203_1248466201883424_2314730876660914236_oIpinagdiwang ng mga kawani ng Lungsod ng San Pedro ang ASEAN AWARENESS CAMPAIGN noong Nobyembre 07, 2016 bilang pasuporta sa adhikain ng ASEAN at (Association of Southeast Asian Nations) at pagtugon sa panawagan ng Civil Service Commission sa bisa ng Memorandum Circular 06 at 17, series of 2016.

Nakasuot ang mga kawaning City Hall ng mga pananamit ng mga miyembro ng ASEAN, katulad ng Brunei, Laos, Myanmar, Vietnam, Thailand, Singapore, Cambodia, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.

Naging hurado sina Brother Duke ng Christian Bible Baptist Church, Kap. Rodolfo Geronimo ng Barangay Calendola, at isang officer ng San Pedro Bureau of Fire and Protection (BFP).

Nagwagi naman si Dave Mercado ng BPLO na nakasuot ng isang kostyum ng Thailand para sa lalaki at si City Treasurer Enelyn Abaigar na nakasuot din ng kostyum ng Thailand para sa babae.

14939571_1248590518537659_3413843776085001351_o 14939980_1248466498550061_2929333530178124045_o 15000181_1248465388550172_636524164093329200_o