PESO MATAGUMPAY NA NAIDAOS ANG JOB FAIR

Mahigit na 62 kumpanyang naghahanap ng mga empleyado/manggagawa ang sumali sa Annual Jobs Fair ng Lungsod ng San Pedro na ginanap sa San Pedro Astrodome noong Oktubre 25, 2016. Ang halimbawa ng mga kumpanyang sumali ay: Abenson, Ace Hardware, Amaia Land, Asia Brewery, CAT Monark, Convergys, Drugmakers Laboratories at marami pang iba.

Mahigit sa 1,000 aplikante naman ang pumunta sa Astrodome para makahanap ng trabaho at 194 na aplikante ay hired-on-the-spot. Ang PAGIBIG ay nakapagproseso ng 100 loyalty cards habang ang Philhealth ay nakapagproseso rin ng 200 cards para sa mga beneficiaries.

Ayon sa Public Employment and Services Office (PESO), ang planong petsa ng susunod na Jobs Fair ay sa Abril 2017. Para sa mga tanong tungkol sa jobs fair o mga job openings, maaari po kayong tumawag sa PESO sa (02) 808-2020 loc. 106 o 519-7818.

14884704_1237795082950536_5668016967200314068_o 14889885_1237796502950394_5541533313311023855_o 14902929_1237797766283601_2827437060237790618_o