SANGGOL MATAGUMPAY NA ISINILANG SA AMBULANSIYA

Isang ginang ang nagsilang ng sanggol habang lulan ng ambulansiya ng San Pedro Aktibo Rescue Crew (SPARC) patungong Dr.Jose P. Rizal Memorial District Hospital sa Calamba. Si Ruth Valencia na naninirahan sa Brgy. Poblacion ay inabutan ng panganganak sa SLEX- Mamplasan Exit. Ang mga mahuhusay na kawani ng SPARC na sina Gil M. Chavez, Joel Velasco at Jing Sanguyo at mga midwife na sina Rona Zaguirre at Tricia Groyon ang umalalay at tumugon sa mga pangangailangan ng pasyente habang nanganganak. Ang ginang ay nagsilang ng isang masiglang sanggol na lalake noong Oktubre 7, 2016.

14470588_1250981241588839_7670998598193486494_n  14517662_1250981001588863_2660151573569682942_n  14572272_1250981068255523_7909749960404364448_n    14611095_1250981071588856_6907355337804066236_n