ANTI-ILLEGAL DRUG SUMMIT GINANAP SA SAN PEDRO ASTRODOME

Buong pwersa ng kapulisan ng Lungsod ng San Pedro ang nanguna sa Anti-Illegal Drug Summit na ginanap sa San Pedro Astrodome noong ika-6 ng Setyembre 2016. Puno ang Astrodome nang halos isang libong estudyante kasama ang kanilang mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng San Pedro. Ang mga dumalo rin sa okasyong ito ay sina Vice Mayor Iryne Vierneza, konsehales ABC President Romeo Marcelo, Edgardo Berroya, Jaime Ambayec, Carlon Ambayec, Kent Lagasca, Delio Hatulan, at Bernadeth Olivares Cuevas.

Nagbigay ng testimonya ang mga kalalakihang galing sa Inner City Recovery Homes International, sa pamumuno ni Pastor Christian Wilson ng Victory Outreach Church sa San Pedro. Nagkuwento sila tumgkol sa kanilang pagkahumaling sa droga at ang kanilang pagtigil dito nang matagpuan nila ang Diyos sa kanilang buhay.

Sinimulan ni San Pedro City Police OIC P/Supt. Harold Depositar ang proograma. Hinimok niya na isama ang mga kabataan sa patutuloy na laban kontra droga. Ayon sa local police report, mahigit na 1,300 pushers at users na ang sumuko na sa Kalupisan ng San Pedro mula ng maisagawa ang Oplan Tokhang.
Nagpanukala si DILG OIC Jennifer Quirante na magtayo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BDAC). Ang layunin ng BDAC ay upang tulungan ang pamahalaang lungsod sa laban kontra droga. Nanawagan siya sa mga kapitan ng mga barangay na turuan ang kanilang mga nasasakupang mamamayan hinggil sa matinding panganib na dulot ng iligal na droga.

“Tulong tulong po tayo dito. Naniniwala ako na kaya nating kalabanin ang drogang ito hanggang sa ito ay mawala na.” Nanawagan sya sa kabataan na tulungan siya at ang syudad sa isinasagawang laban kontra droga.

14195333_1192796014117110_6559174925679999102_o 14196051_1192795680783810_5913524004779891234_o 14196172_1192795530783825_5778519132050423179_o 14206022_1192796307450414_4739821367694919211_o 14206097_1192796064117105_4139422910217415302_o 14231144_1192795540783824_4577116905543674661_o 14231222_1192796707450374_8853276363025357227_o 14231231_1192796137450431_8470919063462664762_o 14231346_1192795504117161_8977852890060193901_o 14231752_1192795660783812_2155197345713731075_o 14231842_1192795750783803_123405040682743392_o 14231989_1192796150783763_7643908211242977921_o 14241423_1192795870783791_3582912084900405827_o 14241471_1192796674117044_7288945662180985430_o 14241635_1192795447450500_8508337050148854911_o 14242259_1192795747450470_6554692846720645795_o 14242411_1192795950783783_8674729809046443324_o 14257496_1192796724117039_3609184926487679217_o 14257506_1192796650783713_3476378453834398801_o 14257512_1192795487450496_1143895841957503325_o 14257514_1192796557450389_609091835534114907_o 14289782_1192795600783818_4339369117144389366_o 14305234_1192795997450445_247997230382043434_o 14305335_1192795377450507_8006273551497301264_o 14310278_1192795777450467_1291254135094512873_o