PAGPAPANATILI NG PUBLIC ORDER AT SAFETY SA SEKTOR NG TRAFFIC SA MGA KALSADA NG LUNGSOD NG SAN PEDRO

Pinangunahan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz noong Hunyo 1, 2016 ang isang assembliya sa hanay ng mga taong Barangay ng Lungsod upang talakayin at bigyan ng malinaw na rutang tatahakin ng mga motor vehicles sa iba’t ibang abalang bahagi ng lungsod. Ito ay ginanap sa Multi-Purpose Hall ng City Hall. Layunin ng assembliyang ito ang pag-unawa sa mga alituntunin ng ipinatutupad na traffic re-routing upang maalwang makakilos at makapaglakbay ang mga mamamayan sa loob at labas ng lungsod. Ang Public Order and Safety Office na pinamumunuan ni Bb. Vangie Allen ang siyang tanggapang may hurisdiksyon sa gawaing ito.

Sa araw dingĀ ito, isang pulong naman ang ginaganap sa loob ng POSO office na nilalahukan ng mga Bus Operators. Tinatalakay nila sa ngayon kung paano nila higit na mahusay na mapaglilingkuran ang mga mamamayang tumatangkilik sa kanilang bus companies bilang pagtupad sa maga inilatag na alituntunin ng Pamahalaang Lungsod ukol sa trapiko. – mgb/bma/PAIO

13308337_1123900927673286_2652429878133713691_o 13340216_1123901004339945_5630820367047210766_o 13346262_1123901091006603_2657627860774716303_o