KAMPANYA LABAN SA MGA ILEGAL NA REAL ESTATE SERVICE GINAGANAP SA LUNGSOD NG SAN PEDRO

13301262_1123938531002859_3491347390426358265_o

Hunyo 2, 2016  – Sa isang courtesy call na ginawa ng mga kinatawan ng Calamba – Laguna Real Estate Board, Inc.(CLRBI) sa tanggapan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, isang makabuluhang pagtalakay laban sa mga hindi awtorisadong mga ahensya na nagbibigay ng serbisyo sa Real Estate ang ginanap bilang pagtungon sa panawagan ng Philippine Association of Real Estate Board, Inc. (PAREB). Ang mga dumalo ay ang mga Opisyales ng CLRBI: Pangulo – Dante A. Salamat, Pang-pangulo- Juliana M. Amante, Kalihim – Emiliana O. Arias, Dating Pangulo- Precy S. Obia, Dating Pangulo-Dammy Comia, Charter President – Engineer Antonio A. Pacleb. Naroon din ang National Director ng PAREB – Col. Herminigildo De Fiesta. Sinaksihan ni Atty. Don Angelo Luna ng City Legal Office ng Lungsod ng San Pedro ang talakayan. – mgb/bma/PAIO