JOINT MEETING NG DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT AT PEACE AND ORDER COUNCIL TUMALAKAY SA KAHANDAAN PARA SA KALAMIDAD

26 Mayo 2016, Lungsod ng San Pedro – Sa Ceremonial Hall ng Pamahalaang Lungsod ginanap ang malawakang pulong patungkol sa tatlong aspeto ng pagharap sa disaster: Prevention, Mitigation at Rehabilitation. Ang pulong ay pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, City Administrator, Engr. Fil Sibulo at DILG Officer Aurora Robles. Dinaluhan din ito ng lahat ng mga pinuno ng bawa’t komite at ang mga iba pang miyembro ng Council kabilang ang Kapulisan.

13248522_1120392568024122_6281526266019930674_o 13308722_1120392658024113_2526956695451589910_o

Nagbigay ng kani-kanilang ulat ang bawa’t komite bilang bahagi ng kabuuang plano . Binigyang diin ni Mayor ang mahalagang ugnayan at pagiging aktibo ng Barangay Disaster group at ang direkta at kagyat na pagbato ng pinakahuling ulat at kaganapan sa barangay patungo sa CDRRMO. Inulit ni Mayor Cataquiz na hindi lamang ang posibilidad ng bagyo at baha ang ating tinitingnan kundi gayun din naman ang palagiang kahandaan sa lindol na nauna nang nailatag ng pamahalaang lungsod.-mgb/PAIO