PUNONG LUNGSOD MAYOR LOURDES BABY CATAQUIZ WAGI SA PANGALAWANG TERMINO

Mayo 10, 2016 – Iprinoklama ng San Pedro City Board of Canvassers si incumbent City Mayor Lourdes S. Cataquiz bilang Mayor-elect ng Lungsod ng San Pedro. Ito ang ikalawang term ni Mayor Cataquiz bilang Punong Lungsod. 

13173177_1110280819035297_7652158332728215870_o
Kumuha si Mayor Cataquiz ng kabuuang boto na 52,398 laban kay dating Vice Mayor Rafael Campos na nakakuha lamang ng 33,462 boto. Pumangatlo si Eugenio Ynion Jr. na may botong 31,454, at pumang-apat si dating Konsehal Michael Casacop na may botong 2,528. 
Sa kaniyang talumpati matapos ang kanyang proklamasyon, nagpasalalamat si Mayor Baby sa Diyos at sa mga mamamayan ng San Pedro sa ginanap na mapayapa at malinis na eleksiyon sa San Pedro.

“Kailangan po natin na abutin ang ating mga ka-lungsod na higit na nangangailangan. Nakita at naramdaman ko po sila sa loob ng 45 araw na inikot ko ang ating buong lungsod. Uunahin natin ang kapakanan nila sa ating paglilingkod ”, ani Mayor Baby.

“Tuldukan na po natin ngayon ang panahon ng kampanya. Umpisahan na po natin ang panahon ng pagkakaisa at paglilingkod. Kaya’t ako po’y nananawagan sa inyong lahat, na tayo po ay magkaisa at magtulungan upang ipagpatuloy ang trabaho at tungkulin na sa atin ay nakalaan”, dugtong niya. 
Nahalal na vice mayor si Iryne Vierneza, samantalang ang mga City Councilors ay kinabibilingan nila Celso Ambayec, Art Joseph Francis Mercado, Marlon Acierto, Delio Hatulan, Divina Olivarez, Bernadeth Olivarez-Cuevas, Jamie Ambayec, Edgardo Berroya, Carlon Ambayec at Kent Lagasca. (PAIO San Pedro)

13047813_1110282985701747_7306892797201929011_o 13072816_1110274735702572_4958663590446867066_o 13130995_1110280002368712_507759868222448495_o 13131509_1110274542369258_4767823383398923810_o 13131731_1110280982368614_3573592645254792735_o 13161739_1110269665703079_5557988359008468026_o 13161762_1110282235701822_6316214103437553638_o 13161936_1110274369035942_3393197191411311369_o 13173107_1110284382368274_9039096707959772087_o 13173125_1110283185701727_612429881923095708_o 13173144_1110271622369550_8095369263157562658_o  13173599_1110283549035024_2112720262718100610_o 13173645_1110275342369178_3113949787928283346_n 13178979_1110274869035892_5716302061482481781_n 13198413_1110278679035511_6614140863757296595_o 13217118_1110274435702602_6993787875799200315_o 13220596_1110271059036273_2854090125531512673_o 13220603_1110281945701851_5608425155869638773_o