MGA MAGAARAL MULA SA SAN PEDRO WAGI SA DEPED REGIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE

Pinapurihan ni Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz ang mga magaaral mula sa iba’t-ibang elementary at high school ng San Pedro na nagwagi sa Dep-Ed Regional Schools Press Conference na ginanap noong nakaraang Disyembre sa Tanza, Cavite.

12657773_1046561385407241_8903310661769667388_o

“Mga kabataan, kayo ang Galing at Dangal ng San Pedro”, ani Mayor Cataquiz sa mga student winners sa ginawang Flag Raising Ceremony kaninang umaga (Pebrero 1, 2016) sa San Pedro City Hall. Ginawa niya ang pagkilala na ito sa kanila sa harap ng mahigit 1,000 opisyal at kawani ng San Pedro City Government, mga opisyal ng Dep-Ed San Pedro (sa pangunguna ni District Supervisor Jovito Barcenas), mga guro ng mga paaralang pinanggalingan ng mga batang nagsipagwagi, at mga opisyal at kasapi ng San Pero PNP, BJMP at BFP.

Dagdag pa ni Mayor Baby: “Kailangang masubaybayan at matulungan ang mga kabataan ito upang ang taglay nilang galing ngayon ay madala nila hanggang sa mataas na antas ng kanilang pagaaral”.

“Ito ang hamon na ating hinaharap para sa lahat ng kabataan, at sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaang lokal at mga paaralan ay makakayanan nilang harapin at pagtagumpayan’, wika ni Mayor Baby.

“Kung may pangarap ang mga kabataang ito para sa hinaharap, tayo rin sa pamhalaan ay may pangarap din para sa San Pedro, at makakamit natin ang lahat ng ating pangarap sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at pagkakaisa”.

Ang mga nagsipagwagi ay kakatawan sa region sa National Schools Press Conference na gaganapin sa Pebrero 22-26 sa Koronadal, South Cotabato.

12604647_1046560675407312_5844531373008337692_o 12640383_1046561202073926_9189957394191685496_o 12642665_1046560372074009_2136895319701979812_n 12646642_1046561408740572_6523646243411994850_o