PAGHAHANDA PARA SA OPLAN KALULUWA 2015

905893_997866073610106_4117800902891606796_o

Pinangunahan ni City Administrator Filemon I. Sibulo ang isang pagpupulong bilang paghahanda sa darating na Todos Los Santos, na magsisimula sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 sa Lungsod ng San Pedro.

Ang pagpupulong ay isinagawa upang mapaghandaan ang kaayusan, kalinisan at kapayapaan para sa darating na undas.

Nakiisa sa pagpupulong ngayong Oktubre 22, 2015 ang City Health Office, Bureau of Fire and Protection, PNP-San Pedro, Public Order and Safety Office, Engineering Department, Emergency Response Team, City Environment and Natural Resources Office, Public Affairs and Information Office, Budget Office, General Services Office, Special Project Office at City Planning and Development Office.

Ang lahat ay inaasahang makiisa sa lahat ng mga pamamahala upang maging mapayapa ang ating pagdiriwang.

10580826_997866230276757_1065836542622217031_o 12029600_997866146943432_3539683316107601652_o