MGA ARAW NG PAGDIRIWANG NG LINGGO NG MGA SENIOR CITIZENS SA LUNGSOD NG SANPEDRO, KALUGUD-LUGOD, MAKABULUHAN AT PUNO NG ALA-ALA

BOB_4347

Ika-5 ng Oktubre, 2015, Lungsod ng San Pedro – Sa pagpaparangal ni Mayor Baby Cataquiz sa mga Senior Citizens ng lungsod, ipinagpatuloy ang pagdiriwang ng Senior Citizens Week na nagsimula noong Biyernes, Ika-2 ng Oktubre. Nilahukan ng 140 na mga mamamayang nasa 60 at higit pang taong gulang ang flagraising ceremony na ginanap sa New San Pedro City Hall Grounds. Sinabi ni Mayor Lourdes Cataquiz sa pagtitipong ito na “Mahalaga ang mga Senior Citizens sa atin sapagka’t sila ang pinagmulan ng kung ano man ang tinatamasa ng pangkasalukuyang lipunan sa ngayon.”

Isinunod ang panunumpa sa tungkulin ng 57 na opisyales ng samahan ng mga seniors matapos ang isang agahan na pinagsaluhan ng mga dumalo. Dinalaw din ng mga dumalo si Mayor sa kanyang tanggapan.

BOB_4336 BOB_4338 BOB_4339 BOB_4340 BOB_4341 BOB_4342 BOB_4343 BOB_4345 BOB_4349 BOB_4351 BOB_4356 BOB_4357 BOB_4358 BOB_4359 BOB_4360 BOB_4361 BOB_4362 BOB_4364 BOB_4365 BOB_4366 BOB_4367 BOB_4374 BOB_4375 BOB_4377

Mga kuha ni Bobby Acosta