MGA MANGINGISDA NG BARANGAY SAN ROQUE TUMANGGAP NG 469 NA LAMBAT

11017363_969896439740403_8968762062245724533_o

Ang mga miyembro ng Barangay San Roque FARMC (Fisheries and Aquatic Resources Management Council) ay tumanggap ng 469 gill nets mula kay Mayor Baby Cataquiz sa pamamagitan ng kanilang mga opisyales noong ika 19 ng Agosto, 2015 sa City Hall ng San Pedro upang mapaunlad ang pangisdaan sa lugar. Ang livelihood ay isa sa mga pangunahing programa ni Mayor kaya patuloy ang suporta niya dito.
Sa panig ng mga mangingisda, maingat na napalaki ng mga taga San Roque ang mga tilapia fingerlings na mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naipamigay noong Marso.

11874961_969896486407065_1024563328243160642_oAng pinakamahusay na pamamaraan na ginawa upang mapanatiling laging may isdang mahuhuli ay ang pagbabaklad. Kapag may pumasok na maliit o malaking isda sa baklad, pinaghihiwalay nila ang mga ito. Hinahayaan nilang lumaki pa ang mga maliliit na isda. Hindi nila hinuhuli ang mga isda kung hindi pa napapanahon. Ayon sa isang panayam sa pangulo ng samahan, G. Romeo Almeida at ingat-yaman, Eric Casalme, nauna nang hiniling nila ang mga lambat mula kay Mayor Baby. Bukod sa lambat, nakatanggap na rin sila ng bangka na ipinamamahagi nang tatluhan bawa’t barangay. Sa kabila ng kanilang pagiingat, naroon parin ang suliranin ng illegal na pangingisda ng mga taong dayo sa bahagi ng lawang kanilang nasasakupan.

11953365_969896239740423_5149898063028657998_oSa kabilang dako, ipinahayag naman ng pangulo ng FARMC Landayan, Ernesto Calibag at ng kanyang kasama na si Reynaldo Sta. Ana na sila man ay umaasang makakuha ng mga lambat. Mayroon din silang katulad na suliranin tungkol sa illegal fishing at nababagabag sila sapagkat kung mananatili ang ganoong sitwasyon ay may posibilidad na mangaunti ang mga isda at mahihirapan silang matustusan ang kani-kanilang pamilya. Nais nilang mafollow-up ang pagrerelease ng Provincial Executive Order No. 9 Series of 2015 na ayon sa kanila ay tumatalakay sa pagpapatupad ng Bantay Lawa. Kanilang nabanggit na ang Lungsod ng Cabuyao ay kumikilos na at mayroon na silang mga speedboat gamit upang habulin at hulihin ang mga illegal fishers. Hinihiling nila ang pagtutulungan ng lahat ng mga lungsod at bayan na nakapalibot sa lawa upang mabantayan ang pangisdaan at maparusahan ang mga lumalabag sa batas tulad ng Fishery Code.