MAYOR BABY CATAQUIZ ISINUSULONG ANG MATAGUMPAY NA EDUKASYON

11053488_964664426930271_210986431552008160_o

Binati ni Mayor Baby Cataquiz ang higit sa siyam na raang (901) mga Iskolar ng Lungsod ng San Pedro sa isang tanging palatuntunan na sadyang inihanda noong ika-11 ng Agosto, 2015 na ginanap sa Pacita Astrodome, Barangay Pacita I, Lungsod ng San Pedro dahil sa kanilang sigasig at pagsusumikap na maipasa ang Qualifying Examination at Interview pati na rin ang pagkumpleto sa iba pang requirements sapat upang sila ay makatanggap ng Certificate of Scholarships sa pagkakataong ito.
Kasama sa mga dumalo at bumati sa mga iskolar sina Executive Assistant Aaron Cataquiz, Chairman ng ILSP Executive Committee; Engr. Fil Sibulo, City Administrator at mga City Councilors. Sa paunang salita ni Chairman Cataquiz sa programa, pinuri niya ang mga guro at magulang sa kanilang suporta at dedikasyon sa mga mag-aaral upang makamit ang karunungang nararapat para sa kanila.

11894519_964697933593587_5167226364448211450_oSa gitna ng mga proyekto na isinasagawa ni Mayor, ang Programa sa Edukasyon ang nangunguna. Ito na rin ay nagsisilbing pagpapatuloy ng layunin ng Roadmap 2020 na pinasimulan ni dating Mayor Calixto Cataquiz. Isinusulong ni Mayor Baby ang isandaang porsyento (100%) na matagumpay na edukasyon na ayon sa kanya ay nagsusulong naman sa isang mag-aaral na makagawa nang higit pa sa pagbasa at pagsulat. Sa talumpati niya, sinabi ni Mayor na ang mga edukadong mga anak ang susi sa isang matagumpay na pamilya. Kapag natapos agad sa pagaaral sa kolehiyo, maaari nang makabuo ng isang higit na matagumpay na komunidad at tuloy naman sa isang higit na matagumpay na kinabukasan.

Mayroon ding hinihiling si Mayor mula sa mga iskolars. Aniya, “Huwag kayong makakalimot. Kung anong tagumpay ang marating nyo sa buhay ay ialay ninyo unang-una sa inyong pamilya. Tulungan mo ang iyong pamilya upang makatapos ang iyong 11822957_964697750260272_8736137022364814932_okapatid at tulungan mo ang iyong bayan.”

Tututok naman si Mayor Baby sa ekonomiya pagdating ng 2016 at 2017. Hinikayat niya ang mga iskolars na magtay ng mga negosyo kung may mga ganitong balak at handa ang pamahalaang lungsod na suportahan ang mga ito.

Winika pa rin ni Mayor. “Kapag ang kaya natin ay kubo, kubo muna tayo. Dampa muna tayo bago magpagawa ng mansion.” Isang hakbang muna sa isang pagkakataon, katulad ng mga magaaral na nagpapaunang hakbang tungo sa kinabukasan . Gayundin naman si Mayor na humahakbang tungo sa isang magandang San Pedro.

11728912_964648323598548_2387427815992484842_o  11838750_964697746926939_5293012091221374705_o 11850544_964645956932118_1154393685772474144_o 11888161_964697930260254_4130416338713455236_o 11894015_964663266930387_7487165184016315844_o  11895136_964664920263555_6034744766334388253_o