NUTRISYONG TAMA NAGBIBIGAY KAYA SA BATA

11807237_959295734133807_5788283048908145044_oHinikayat ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang mga ina na kanilang gabayan at ugaliin ang pagpapakain nang tama at sapat sa kanilang mga anak upang sa darating na panahon sila ay maging matalino at magkaroon ng kakayahang mamuno sa ating bayan. “ Ang malusog na bata ay may malusog na pangangatawan at malusog na kaisipan.”

Ginawa ni Mayor ang panawagan sa ginanap na palatuntunan para sa pagsasara ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong ika-31 ng Hulyo sa 11057469_959296024133778_4138347546901747402_oCity Plaza na may temang :”Timbang Iwasto, sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”.


Dagdag pa ni Mayor na kailangang magtanim ng gulay sa ating mga bakuran. Maaring humingi ng mga mga punla sa Agriculture Office, itanim ang mga ito upang may anihin sa tamang panahon at tayo ay makakain ng sariwang gulay, aniya. Gayundin, itinagubilin niya na ugaliing mag ehersisyo araw-araw kasama ang mga anak.

Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng parada sa ganap na ika-7:00 ng umaga. Nagpapakitang gilas ang mga batang pre-schoolers ng mga kagiliw-giliw na sayaw at awit. Kasama ang mga magulang ng mga bata sa nanood sa masiglang palabas.

11222837_959293534134027_2027100300015272184_oNaging tampok din ang pagkakahirang bilang pinakamalusog na batang babae ni Yuna Adriano ng Poblacion Day Care Center at pinakamalusog na batang lalaki ni Emerson Torente ng Sampaguita Day Care Center.

Ang layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon taun-taon ay upang palaganapin ang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon at mabigyan ang mga ina ng malawak at wastong kaalaman sa pag-aalaga, pagpapalaki at pagpapakain sa kanilang mga anak, lalo na sa mga sanggol at lumalaking bata.

Tulad ng nakaugalian, ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Day Care Workers sa pangangasiwa ng kanilang hepe na si Fatima Autor ng City Social Welfare and Development Office kasama ang City Nutrition Office, Barangay Nutrition Scholars (BNS), City Health Offfice at mga Barangay Chairpersons. #‎PAIO‬

906055_959293924133988_6941857530340647933_o   11232082_959295780800469_3271743780552286217_o 11700791_959293394134041_8262033881894312870_o 11703580_959295830800464_2210586056155011084_o 11754471_959293920800655_6847939241766774402_o 11754522_959293634134017_1270671251297113158_o 11780046_959294030800644_4513325923095863556_o 11802509_959296020800445_6915276219283751775_o  11807265_959293184134062_8765811064678578947_o 11807265_959293857467328_8472822305659948835_o 11807496_959295560800491_7633119243580926057_o 11807699_959295610800486_3590175895326439900_o 11807711_959293277467386_5292331267113445436_o 11834868_959295840800463_8132860588989563703_o 11838536_959295957467118_373964890210085065_o 11838595_959293790800668_1172710636909571331_o